Thursday, November 18, 2010

Topic-opinions: The Pinoy Way(my version)

UP-CHK Student

Mga bobo at puro laro lamang daw laro ang mga taga HK.

1. Madalas mahuli o mawala sa klase ang mga taga HK

2. Mahina ang pang-unawa ng mga taga HK.

3. Ang alam lang gawin ng mga taga HK ay magsaya

Droga

Dapat malimitahan o masugpo ang mga kaso ukol sa droga.

1. Salot ito sa lipunan

2. Masama sa kalusugan.

3. Magastos

Basketball

Marami daw ang may alam tungkol sa basketball sa bansa.

1. Ito ang sikat na pampalipas oras ng mga Pilipino

2. Maraming mga Pilipino ang naglalaro ng Basketball

3. Maraming nakatayong mga palaruan pambasketball sa bansa

Pluma

Dapat ihanda ang mga mag-aaral na gumamit ng pluma.

1. Madalas gamitin araw-araw

2. Pangmatagalan ang sulat nito

3. Mas madaling gamitin

Buhay UP

Makabuluhan mag-aral sa UP.

1. Maraming matutunang karanasan sa UP na nangyayari sa pang araw-araw.

2. Sumisibol ang nasyonalismo sa UP

3. Umiiral ang kalayaan at karapatan sa UP higit pa sa iba



Tubig

Ito ang pinakamahalagang likas na yaman sa mundo.

1. Maganda sa kalusugan

2. Pinagkukunan ng hanapbuhay at mga kasangkapan.

3. Mawala na ang lahat huwag lang ang tubig

Ilegal Gambling

Dapat maibsan o mabawasan ang mga umiiral na mga illegal na pasugalan.

1. Magastos

2. Nakakaadik

3. Masama sa ekonomiya ng bansa

Produktong Pinoy

Dapat tangkilikin natin ang sariling atin.

1. Maganda para sa ekonomiya ng bansa

2. Mahalagang aspeto ng nasyonalismo

3. Nababagay ang kalidad para sa Pinoy

Paaralan

Dapat dumami ang mga paaralan sa bansa.

1. Mababawasan ang kamang-mangan sa bansa

2. Gaganda ang kinabukasan ng bawat Pilipino

3. Mababawasan ang mga masasamang loob


Paglalaro

May karapatan ang bawat isa para magsaya at maglaro.

1. Maganda sa kalusugan

2. Nakakatulong sa paghubog ng mga relasyon sa komunidad

3. Sadyang masaya lang





Pag-eehersisyo

Dapat magakaroon ng oras ang bawat isa para mag-ehersisyo.

1. Maganda sa kalusugan

2. Nakakatulong maibsan ang “stress”

3. Masaya gawin

Pag-iinom ng alak

Dapat mabawasan ang paglaganap ng paglalasing.

1. Masama sa kalusugan

2. Madalas pagmulan ng gulo

3. Mabaho ang alak at ang taong lasing

Holiday

Dapat maraming holiday na idinedeklara sa Pilipinas.

1. Makakatulong sa pagbabawas ng mga gawain

2. Makakabawas sa mga problema ukol sa trapiko

3. Mas may oras ang pamilya


Populasyon

Dapat ng mapigilan ang patuloy na paglobo ng populasyon.

1. Mauubos ang lahat likas na yaman ng bansa

2. Mas magiging mahirap ang pamumuhay

3. Tataas ang mga krimen

Hip-Hop

Dapat na tangkilikin ang hip hop sa Pinas.

1. Ito ay magandang uri ng musika

2. Ito ang mga kwento sa kalye

3. Magbibigay ng mga pagkakataon sa mga ganitong musikero.

Papel

Dapat pahalagahan ang papel.

1. Mapapangalagaan ang mga puno

2. Maraming magandang benepisyo mula sa papel

3. Makakabawas sa mga basura

Turo-turong pagkain

Masaya daw kumain ng mga turo-turo.

1. Masarap

2. Mura

3. Madaling hanapin

Cellphone

Mahalaga ang cellphone sa mga Pilipino.

1. Mahilig ang mga Pilipino magtext

2. Madaling gamitin

3. Pampalipas oras

Relihiyon

Malayang makapamili ang mga Pilipino ng gusto nilang paniwalaang relihiyon.

1. Maraming relihiyon ang umiiral sa bansa

2. Walang batas na nagsasaad ng iisang relihiyon para sa bansa

3. Iba’t ibang simbahan ang meron sa bansa.

Kompyuter

Maraming Pilipino ang makikinabang sa kompyuter.

1. Kelangan ng sumabay sa modernasisasyon.

2. Maraming mga gawain ang napapadali ng kompyuter.

3. Masayang gumamit ng kompyuter

Pagbabasa

Dapat ay magkaroon ng oras ang bawat isa upang makapagbasa.

1. Maraming matutunan

2. Maganda sa kalusugan

3. Pampalipas oras

Media

Maraming mga Pilipino ang nahuhumaling sa media

1. Maraming ang mga sumusubaybay sa media.

2. Maraming gustong maging sikat

3. Nakakapagpayaman




Sayaw

Maraming magagandang mga uri ng sayaw sa bansa.

1. Simbolo ng kultura

2. Magaling sumayaw ang mga Pilipino

3. Masaya at maganda sa kalusugan

1 comment: